Return
Variation and change in Philippine languages
DOI:10.1075/aplv.25007.gon.png)
Abstract
En 中文
This article offers the first curated synthesis of sociolinguistic research on variation and change in Philippine languages. It pursues two interrelated aims: to map and evaluate the existing body of work, and to trace how the field has developed over time conceptually, methodologically, and institutionally. Drawing on a systematic review of 77 studies published up to May 2025, the analysis identifies persistent tensions between structure and meaning, production and perception, and documentation and critique, representing not just gaps in coverage but also arguably symptoms of deeper epistemological orientations. Four macro-level patterns are identified: the dominance of structuralist paradigms; a prevailing focus on intergroup rather than intraspeaker variation; and the relative neglect of perception-based methods and multilingual theory, despite their empirical relevance. From these, the article argues for a reorientation of the field, positioning Philippine cases as theoretically productive sites for rethinking language, inequality, and social meaning in postcolonial multilingual contexts. Inilalahad ng artikulong ito ang unang sintesis ng mga pag-aaral sa sosyolingguwistikong baryasyon at pagbabago sa mga wika ng Pilipinas. Mayroon itong dalawang magkaugnay na layunin: tukuyin at tasahin ang umiiral na pananaliksik, at sundan kung paano umunlad ang larangan sa paglipas ng panahon sa antas ng mga konsepto, metodo, at institusyon. Batay sa sistematikong pagsusuri sa 77 pag-aaral na nalathala hanggang Mayo 2025, tinutukoy dito ang matagal nang tensyon sa pagitan ng istruktura at kahulugan, produksiyon at persepsyon, at dokumentasyon at kritika: na hindi lamang nagpapakita ng mga puwang sa saklaw kundi maaari ring ituring na mga palatandaan ng mas malalalim na oryentasyong epistemolohikal. Apat na malalaking tema ang lumitaw: ang pag-igpaw ng mga paradigmang nakasentro sa istruktura; ang higit na pagtutok sa intergroup kaysa intraspeaker na baryasyon; at ang kapansin-pansing kakulangan sa mga metodong nakabatay sa persepsyon at sa teoryang multilingguwal, sa kabila ng malinaw na ambag ng mga ito sa empirikal na datos. Mula rito, inirerekomenda ng artikulo ang isang panibagong direksyon para sa larangan, na inilalagay ang mga kasong Pilipino bilang makabuluhang puwesto para muling pagnilayan ang wika, hindi pagkakapantay-pantay, at panlipunang kahulugan sa mga postkolonyal na multilingguwal na konteksto.
Keywords:
Philippine sociolinguistics
language variation and change
multilingualism
perception and production
structuralism and indexicality
sociolinguistic review
Journal
A
IF:
0.4
Papers:
13
Citations:
0

